There was an error in this gadget

Saturday, May 8, 2010

EWAN...

7:36 na ng gabi dito sa Pinas pero heto ako nakaupo sa harap na naman ng computer. Ganito pala pagbago lang, nakakawindang,nakakanose-bleed,nakakaEWAN! Hay buhay nga naman.. pagpasensyahan niyo na kung ganito ang blog ng isang taong tulad ko na di sigurado kung ano ang kanyang ginagawa.


Siguro naghahanap ako ng mga bagay bagay na bago sa aking buhay. Kahit bakasyon ngayon, nakakatamad ito kumpara kapag may pasok. College student ako pero ang buhay ay walang kabuhay buhay para sa'kin. Kahit laging may ginagawa nagiging "routine" na ang mga ito, school- bahay-school-bahay..katamad di ba?!?! (-_-). Nakatali na kasi ako sa pagaaral ko bilang "draftsman".



Pero ito na nga nakahanap ako ng bago sa aking panlasang estudyante, "BLOGGING" na naishare lang ng nagbakasyon ako sandali sa bahay ng aking kabarkada. Nagbasa basa ng kaunti at masasabi ko namang nakakawili ito dahil nailalabas ko kung ano ang nasasaloob ko..haha salamat kay ******. di ko muna siya ipapakilala :P



Ahmm..sana mag enjoy talaga ako dito ^^! blog time na!!!



No comments:

Post a Comment